Makakahanap din ako ng Kevin Santos. Tiwala lang.


gelleeeepot asked: Hi Ate Leng! Grabe. I love you na talagaaaa! I can't move on sa The Despicable Guy! Kasama na sya sa top 3 na favorites ko!! :""> Akin na lang si Kevin? Charot. HAHAHA! Nag sisisi ako, ngayon ko lang sya binasa, dapat last year pa e!!! Anyways, yun lang Ate. Omg. Ang kulit ko na, mapa-facebook, twitter at tumblr e. Stalker-ish na ata ang dating ko. HAHAHA. Yun lang Ate Leng! More powerrr! Xo. :*

HAHAHA! Maraming salamat! ♥


justamindlessthinking asked: ate gumagawa ka pa ba ng stories sa wattpad ?

Yup! May ongoing pa akong isa, If I Fall ang title. May susunod pa rin akong stories XD


missscrewedup asked: Hi, Ate Leng! Ask ko lang. Mahirap po ba ang Human Ecology? :)

Hmmm.. para sakin oo kasi hindi ko forte ang Science. HAHAHA!


If I Fall Sentiments

April 2011 nang mabui ko ang concept ng If I Fall habang naglalaba ako. Sinusulat ko noon ang 3rd story ko na follow-up ko sana sa TDG Book 1 (na patapos that time) kaso nawalan ako ng gana. Bakit nawala? Kasi naexcite ako sa If I Fall.

If I Fell ang unang title na pinost ko sa Wattpad, based sa kanya ni Paul McCartney, kaso hindi sya gramatically correct kaya ginawa kong If I Fall. Concept? Mga napansin ko as a Wattpad Writer and reader. Simple lang naman.

Nung una puchu lang yan, di ko trip. Tapos may 2 sidestories pa. Para sa iba sakit sa ulo yun, updating 3 stories at once! Ako? Hindi ako makapagreklamo, utak ko kasi ang nagdecide. Dehado ako dun. HAHAHAAH! XD

Pangalan ng former HS schoolmates ang ginamit ko for my characters, at based sa HS namin ang Charleston Academy (na pangalan pala ng school sa TBYD ni Alesana Marie. Dun naging exchange student ang Crazy Trios. Di ko talaga sinasadya yon! K). Sulat lang about HS experiences since yun talaga ang peg ko isulat.

Experimental story ang If I Fall kaya kabado at defensive ako sa story na ‘to. Kahit 75 chapters ‘to, hindi ko pa rin alam ang ending. Pabago-bago kasi ng takbo ang isip ko. Kainis!!!

Para sakin complex ang storyline ng If I Fall. Inaaway ko ang inner demons (nuxx pero totoo nga. Haha!) ko pag nag-iisip ako ng scenes. Super nachachallenge ako sa story na ‘to kasi minsan hindi talaga ako nakakatulog sa sobrang pag-iisip. Stressful pero eto ang tipo kong stress. Parang nagsosolve lang ako ng Chem problem. Mehehe 

May ilan siguro ang hindi makakagets kung bakit ganun ang If I Fall, kung bakit ko pinapalalim ang isang mababaw na premise. Aba, kanya-kanya lang ng trip yon XD

Mabagal ang pacing? Boring? Then stop reading. Hindi ko naman pinilit na basahin yun eh, I just suggested it. Kung hindi na interesting para sa’yo, click that close tab button or whatever. 

Sabi ng bestfriend ko, ang If I Fall daw ang pinakapanget na story ko ever. Kulang sa consistency. Sus, eh sorry na lang. Yun ang genre ko, I pattern my stories with my life. Syempre hindi naman consistent ang buhay, lalo na ang akin. Tsaka dehins ko magets ang mga tao na nagcocompare ng The Despicable Guy sa If I Fall. Earth to you, guys! Ang layo ng concept hello!!! Kaasar!

4 loveteams ang meron sa story na ‘to, sobrang dami compared sa ibang story. Mabuti sana kung series ‘to kaso hindi. Ayaw kong maging buzzkill pero.. ewan. Maraming possibilities ang pwedeng mangyari sa apat na lumaloveteam na yan. Sorry sa makakabasa nito! Depende pa kung ano ang sabihin ng utak ko, minsan kasi lakas ng topak nito eh. 

Basta, kahit anong mangyari, tatapusin ko ang If I Fall. Ayaw ko namang multuhin ako nina Seth at Barbs! Creepy lang diba? Tsaka.. readers, kung anuman ang maging ending.. yun na ang ending. Eh wala pa nga Leng, siraulo ka ba? XD

Peg ko ang If I Fall kasi iilan pa lang ang nagbabasa nito. Hindi pa exposed ang baby ko sa Wattpad World. I don’t care na in 1 year 240k reads pa lang sya. Okay nga yun for me, at least hindi naeexploit XD

Sa readers na nagtyagang basahin ang 49 parts ng If I Fall, old or new, maraming salamat. Sorry kung baliwan talaga ang trip ko minsan, ang hahaba at ang bagal ng pacing ko. Kung natapos nyo ang TDG, siguro naman alam nyo na ang writing style ko. Mabagal ang pacing ng stories ko. Hindi na ako baliw pag gumawa ako ng kwento na sa first chapter palang nagsasabihan na ng I love you ang characters (insert Vice Ganda’s PBB Teens voice here)

Sa If I Fall group and readers, maraming salamat sa pagbabasa! Gora lang tayo mga teh! XD

Happy 1st Anniversary If I Fall! ♥


L’esprit de l’escalier: “staircase wit”, the usage of a witty retort after the moment has passed


Sanguine: of a healthy reddish color; ruddy; blood-red; of the color of blood


Ten celebrities you’d marry, without a doubt.

  • MIGUEL CRISOSTOMO PERVERA ALCARAZ (Name the time and place, I’ll marry him)
  • James Franco
  • Andrew Garfield
  • Xian Lim (HAHAHAHAH)
  • Ian Somerhalder
  • Kamenashi Kazuya
  • James Lafferty
  • James Younghusband
  • Albert Martinez
  • Christian Bautista