eLBi Ghost Stories and Other Things
Kasalanan talaga ‘to ni RJ e.
Nagsimula lang yan sa Nagbebeatbox si Mariang Banga pag FebFair. Tapos ‘tong si Paul (na epal forever), nagdagdag ng kung anu-anong kwento. Saktong dumaan kami sa Geothermal Powerplant-Jubilee Subdivision at sa Pili Drive. Panalo lang diba?
So eto, kahit pinilit kong di makinig, medyo natandaan ko pa rin naman yung pinagkukwento ng mga pinakamamahal (sarcasm) kong vanmates.
- Yung ninja ghost sa may F.O (tumatalon daw sa mga building)
- Manananggal sa F.O (May nakasalubong daw silang matandang babae tas sinabi sa kanilang “Naghahanap kayo ng manananggal? Ako!” tas nawala raw si Lola. Lasing naman kasi sila nito. Kainis)
- Bungisngis (Nakita raw ng tropa ni Paul sa may tambayan ng Thursday Club sa likod ng library kung saan malapit ang apartment namin. Girl version daw yan ni Smiling Face.)
- St. Elmo’s Fire sa Jubilee (ETO TALAGA YUNG PINAKAAYAW KO E)
- Yung CR sa may AMTEC (yung malapit sa CEAT)
- PILI DRIVE (TALAGA NAMAN TO!!! OMG LANG.)
- Pugot (Eto naman sa may Raymundo daw. Salamat kay Sir Edgar!!!)
- At ang finale, The VetMed Stories. (Hindi na makauwi si Paolo sa sobrang takot nya!)
Define takot naman ako kagabi!!! Buti na lang hinatid kami Paul hanggang sa dorm. Sana nung umaga na lang kami nagkwentuhan diba? Masyado kasi syang masaya. HAHAHAH
Teka, mangongolekta ako ng ghost stories. Parang timang lang :))