Ang totoo nyan never pa akong nakareceive ng roses o regalo galing sa isang lalaki.

Yep. Forever alone ba?

Kahit yung pseudo ex boyfriend ko (Bakit pseudo? Kasi we were never in a relationship. It was more of lack of a relationship blahblah shit) never akong binigyan ng kung anong sweet nothings or whatever.

Heck, naturingang nagsusulat ako ng teen romance stories tapos.. naaah. Ewan. May part sakin na nag-eexpect every year na sana may magbago, na sana this year may magbigay o ano. Yung magbibigay na dahil sa gusto nya ah. First time akong nabigyan ng red rose nung anniversary ng Beta Sigma Fraternity. E napadaan lang kami nun.

Gusto ko kahit isang beses makaranas ng ganun. Makaranas ng isang sobrang kilig moment, katulad nung nasa mga sinusulat ko. Feeling ko kasi hanggang sulat na lang yon, characters ko na lang ang makakaranas. Sana ako rin para ayos na. Para kumpleto


  1. monologue-ni-sisa posted this