Kasalanan ‘to ni Peyton Sawyer.
Sa sobrang favorite ko yung character nya sa One Tree Hill, masyado ko nang dinidibdib yung quotes nya. And boy, she was right. People always leave.
Nakareceive ako ng tatlong malulungkot na balita ngayong week. Expected ko pa naman na masaya ang week na ‘to since Feb Fair Week and sandamukal ang fieldtrips ko. Yep, masaya naman ako kaso nalusaw din yun paunti-unti. Nagsimula yan nung Sunday, sa mismong fieldtrip.
Akala ko joke lang ni P yung pagtransfer nya sa UST. Hindi kasi sya makatransfer sa Civil Eng dito sa LB kaya ang last resort na lang nya ay lumipat ng university. Parang engot nga lang eh, ayos ng kwentuhan namin sabay singit ng “Ay seryoso na nga pala ako dun sa USTe. Wala na sigurong magagawa si Sir Piadozo kung aalis ako diba?” Wala lang. Nagulat talaga ako. Then nalungkot. Siguro kung nung first sem ko ‘to narinig, masaya pa ako. Hindi kasi kami magkasundo sa Bio 2 class namin. Ngayong sem kami medyo “super classmates” (muntikan na talagang maging super. Buti na lang kinancel ko yung PI 10, hanggang recit kasama ko sya.) and okay naman pala syang kasama. Close na nga kami eh! Siya yung first guy na nakaclose ko nang bongga since nung umalis sina Gino and Nabeel last sem. Tapos lilipat na sya? Inangyan.
Second sad news: Tuesday. Via Twitter. Unexpected yon. Akala ko medyo matagal pa pero.. wala na. Maayos na sana yung Valentine’s Day ko since.. eventful naman. Then bang! Nawala lahat. Ayos pa talaga ng asaran namin nung bandang hapon tapos mga 5:30 biglang nagtweet! Bummer.
Third: Kanina lang. Hindi naman masyadong malakas yung impact sakin nitong nangyari na ‘to pero.. aalis pa rin siya eh. Nakakalungkot lang.
Bakit ganun noh? May mga tao na ayaw mong maattach ka sa kanila sa una kasi alam mong dadarating yung araw na mawawala rin sila sa tabi mo, pero isa kang risk taker. I-aattach mo pa rin ang sarili mo, magiging close friends kayo tapos.. kung kelan maayos na ang lahat, kung kelan masasabi mong “Cool kami ng taong ‘to!” or “Ang saya pala nyang kasama! Friends na kami!” tsaka.. mawawala? Tsaka sila aalis? Nyeta! Unfair! Minsan babalik pa sila as if hindi sila nang-iwan. NYETAAAA!
People always leave, yan yung sabi ni Peyton nung One Tree Hill Season 1. May drawing pa nga yan na stoplight na para sa mommy nya eh. Nakakaasar lang talaga! Kung kelan natuto akong maging intimate ulit sa ibang tao tsaka.. ganito. Nakakaiyak, sa totoo lang. Ang daming tao na sinubukang makipag-interact sakin pero ako yung kusang lumalayo sa kanila kasi natatakot ako. Tapos ngayong hindi na ako takot tsaka sila aalis? BULLSHIT.
OTH Season 2 nang dugtungan ni Peyton yung People always leave para kay Nathan (na iniwan ni Haley). Sabi nya, “But sometimes, they come back.” Oo, ngayon sinasabi nila sakin na babalik sila, na bibisita sila sa LB o pag nagpunta ako ng Manila hang-out nang onti.. kaso ewan. Ayokong isipin muna yon. Susulitin ko na lang muna yung times na makakasama ko pa sila (in the case of #2, sa Twitter lang ‘to since he already left. Dammit!). Magbabaon na lang ako ng memories. Okay na yun.
Pero sana bumalik sila. Please lang.