“Wala ka kasing boyfriend kaya hindi mo maintindihan.”

02202012

Yan yung sabi sakin ng friend ko kahapon habang naglulunch kami sa Daniella’s. Sarap na sarap ako sa kare-kare nang sinabi nya sakin yan. Hindi na lang ako sumagot. Kumain na lang ako.

Pero sa loob-loob ko, putangina. Eto na naman. Yan na naman yang sinasabi nyo tungkol sakin. “Wala ka kasing boyfriend kaya hindi mo maintindihan” , “Bitter ka pa rin sa break-up nyo ni Rodgie? Ina, two years na yun!” “Move on? Alam mo ba yun?”

Tangina please lang. Stop.

Minsan lang ako magsalita about this manner, kahit palaging binobrought up ng mga kaibigan ‘to pag nagkikita kami. Parang timang kasi. Pag nagcomment ako, sasabihing bitter ako. Pag di ako nagcomment, sasabihing bitter. Ay pucha, ano ba? Kayo ‘tong magulo eh! Hindi ako!!!

Ang kapal ng mukha mo para sabihing hindi ko maiintindihan kasi wala akong boyfriend. That’s so lame, miss. I mean, natuto ako ng mga bagay sa mundo na wala akong boyfriend. Tangina lang talaga please! Hindi ko maiintindihan kasi wala akong syota? ANG BABAW NAMAN. Gusto kong tawanan ka. Ang babaw kasi ng pag-iisip mo. Naturingan pa namang matalino ka at nag-aaral sa UP. Gamitin naman kasi ang utak! Hasang-hasa nga yang utak mo sa acads, pero pagdating sa buhay, wala ka pala.

Sasabihin na namang bitter si Leng kaya sya nagpopost nito. Hoy. Hindi ko sinasabing basahin mo ‘tong post ko. Ikaw ‘tong atrebidang nagclick sa See More, hindi ako. Sasabihin mong e tanga ka pala e, ipopost mo pa sa blog mo, e pwede tong makita ng iba. Pake mo ba? E sa blog ko nga ‘to eh! Sa’yo na rin galing! Sa gusto kong ipost ko dito eh! Pake mo? READ AT YOUR OWN RISK. READ AT YOUR OWN RISK. Kung nacucurious ka pero alam mong para sa’yo ‘to. Simple lang: wag mong basahin. Pag nasaktan ka ako pa sisisihin mo. You can save yourself from the pain. So get out of here.

Nalayo ba? Sorry naman. Bakit ba ako sinabihan ng friend ko nun? Nagreact lang naman ako dun sa Boyfriend Voice. Oh goodness please. Porke ba wala akong boyfriend hindi na ako pwedeng makaintindi ng bagay tungkol sa pag-ibig at relationships? Hoy excuse me lang, di hamak na mas marami akong alam tungkol sa pag-ibig at relationships kesa sa’yo. Wag kang mayabang, wala kang alam. Oo, marami ka naging syota pero hindi naman seryoso. Kung ako nasa kalagayan mo hindi ko nga sila matatawag na boyfriend. Mga pampalipas oras mo lang.

Kung mababasa mo ‘to, sorry. Masama lang loob ko. Tsaka stalker ka kasi. Tangina. Wag kang masasaktan. Mas nasasaktan ako kesa sa’yo. Kung alam mo lang.


  1. monologue-ni-sisa posted this