Fertility Tree and Other Things (aka UPLB Crash Course)

Wala lang. Natripan ko lang gumawa ng ganito since napag-usapan namin ni Louise yung isang blogpost ng finofollow ko dito sa Tumblr about sa USTe. Shet, ngayon lang nagsink in sakin na malapit nakong mag3 years sa UP Los Baños.. pero hindi pa rin ako gagraduate. Whatever.

Eto ang mga bagay na natutunan ko nung Freshman ako. Kung may incoming NFs (New Freshman. I know, nagimbal ako sa word na yan nung bago pa lang ako) man na makakabasa nito, uunahan ko na kayo: baka maging iba ang experience nyo kesa sakin. Pero whatever, basahin nyo na lang. Welcome to UPLB!

  1. Ang UPLB ay nasa paanan ng Mt. Makiling. Wag na wag kayong maghahanap ng taxi sa campus. Kukutusan ko kayo. (Seriously. Last year kasi sumama ako sa Campus Tour tapos may naghanap ba naman sakin ng taxi. Rich kid my ass.)
  2. Fertility Tree. Mag-ingat pag gabi. Joke! Pati sa Grandstand. Joke lang ulit. Actually kalat naman yan sa campus. If you know what I mean :)
  3. Walang gate ang UPLB pero may makikita kayong sign sa jeep na UP Gate. (Hindi kasi literal na ‘gate’ yung nasa entrance ng campus)
  4. Kaliwa-Kanan ang jeep. Wag kayong maghahanap ng Ikot-Toki dun. (Sa UP Diliman lang meron nun)
  5. Kung naghahanap kayo ng jeep papuntang Forestry, ituturo nyo ang index finger nyo pataas (Parang sinasabi nyong #1! #1!) 
  6. TBA means To Be Assigned. Pag may lokong upperclassman na nagsabi sa inyong Tallest Building Around, wag kayong maniniwala. Sa Carillion kasi yun, at walang nagkaklase dun. Wag tanga.
  7. May legend (o kalokohan) na popular sa campus na hindi ka makakagraduate on time pag nagpapicture ka kina Oble, Mariang Banga and Pegaraw.
  8. May FPark (Freedom Park), CPark (Carabao Park) at OPark (Oble Park) sa campus. Tambayan yan.
  9. SUGGESTED READINGS ARE MANDATORY. (Malas nyo pag tamad kayong magbasa. May mga prof dyan na magpaparequire ng readings tapos isasama sa exam. Bitches.)
  10. Merong kinakatakutang Triple A at Double T sa Humanities. Nabuwag na ata yung Triple A since retired na ata yung isa dun pero ang Double T (gawa-gawa ko lang yang nickname) ang naghahasik ngayon ng lagim. Bakit? ABANGAN NYO NA LANG SA ENG 2.
  11. Sinusumpa ng mga OF sa LB ang LRP (Library Research Paper) pagdating ng 2nd sem. 
  12. Kung may Zorro sa Diliman, meron namang Smiling Face sa LB. (At ang creepy talaga nya, promise..)
  13. Nasa college na kayo, hindi nyo na kailangang magpaalam sa professor kung magcCR kayo.
  14. At lalo na hindi na kailangang tumayo pag nagrerecite sa klase. So high school.
  15. Exams ang tawag, hindi tests. Napaghahalataan talaga pag NF ka.
  16. Obvious na NF ka pag sobra-sobra kang manamit. Hindi runway ang campus.
  17. NF ka pag suot-suot mo ang ID mo pagpasok. (Hindi naman kasi kailangang isuot yun, not unless pupunta ka ng library)
  18. Thursday Night is eLBi Night. 
  19. Talamak ang bollards sa campus. (Bollard ang correct term para sa mga banga na nakabaligtad na pwedeng upuan dun.)
  20. Pag may narinig ka sa jeep na “Mama, sa Animal po” wag kayong tatawa. May iba kasing ganun ang tawag sa Animal Science sa VetMed (Kung ayaw nyong matawa, e di tawagin nyong AnSci!)
  21. Nasa bundok pa ang Infirmary (o widely known as Infirmatay. Bago ka pa makarating dun 50-50 ka na siguro).
  22. WAG NA WAG NA WAG IPAPALAMINATE ANG FORM 5.
  23. Kung tagtipid kayo, meron mga kainan sa labas ng campus na afford ng budget. Sa 30php makakain ka na! May Siomai Foodhaus at Sulyaw na tinatawag sa Grove (Sa Siomai Foodhaus na lang, mas safe. Haha!)
  24. Pag maulan at may naamoy kayong.. amoy clorox.. ayan ang sign ng “ma-L” season sa LB. (Joke lang. Kasalanan yan ng Sperm Trees. O, alam na!)
  25. Maraming weirdong prof sa LB. Mag-ingat kayo. (Ako naging prof ko si Lord. Haha! Hello, History 2!)
  26. Elbi Proven is the best! Hehehehe =)))
  27. eLBi ang spelling ng LB pag true-blue UPLB student ka. (I know, ang jeje pero masasanay ka rin.)

At ang pinakahuli.. (and this applies to all campuses)

Nasa UP ka so expect the unexpected. Iba’t ibang tao ang makakasalamuha mo sa campus kaya matututo kang makibagay. May ibang prof dyan na hindi mag-aadjust para sa’yo so ikaw ang mag-aadjust para sa kanila. May classmates ka ring medyo makitid ang utak.. etc. 

Nasa UP ka, isa kang Iskolar Para Sa Bayan. Ang goal mo sa pagpasok ng UP ay hindi para magbulakbol, kundi mag-aral at makatapos on time at makatulong sa bayan. 


Tabloid headline yesterday.

Justice for Ray Bernard Peñaranda.


What the fuck is happening to Los Baños?

Nung Wednesday natagpuang patay si Rochel Geronda sa may Demarces/Sta. Fe.

Nung Thursday may nanakawan ng laptop. Nagpanggap daw yung magnanakaw na CSB.

Nung Friday may nabaril naman.

Tapos kaninang madaling araw? May nasaksak sa F.O.

Tangina LB, anyareh?

Mas pinili ko ang UPLB kesa sa UP Manila nung nagparecon ako kasi feel ko mas safe dito. Talamak kasi sa Manila yung holdupan etc. Kaso ang uso ata sa Los Baños ata ngayon e yung mga ganito.

Hindi pa nga kami nakakamove-on sa pagkamatay ni Given nung October tapos puro ganito? Pucha, nakakagalit lang. Mga tao nga naman na makikitid ang utak! Nakakainis talaga!

Sa  mayor naman ng Los Baños, gumising ka naman. Nasan na yang mga pulis nyo? Ang dami mong tarp sa Grove tapos etong mga krimen hindi nyo agad maasikaso. Nasan na yung mga pulis? Hindi naman kasi kaya ng mga CSB na imonitor lahat hanggang sa labas ng campus. Kung kelan may mamamatay/mapapahamak dun lang kayo aaksyon. Nakakainis!!!

Pero kahit na ganito sa LB, hindi pa rin ako lilipat. 


Kwek-kwek Tower | UPLB

(c) Leng Anne | 03012012


eLBi Ghost Stories and Other Things

Kasalanan talaga ‘to ni RJ e.

Read More


ohgivemeabreak:

UPLB Hopes in the Sky

A night to remember. 


“Passing UPCAT is one. Moving out of UP is another.”

- (Prof. Reyes, 2012)


Saan ka nakakita ng school na ang mga estudyante pasok palang mukhang bagong awas na.

patlangpresas:

Ang mga taong ginto na ang 2 hours na tulog.

Dagdagan mo pa ng exam ng 7 am.

Direchong klase hanggang 1pm.

May ika-cram ng 1 hanggang 5pm.

May event ang org/soro/frat ng 7pm.

Uuwi ng 12am.

Gagawa ng requirements, mag-aaral sa exam bukas, ng 1am.

Matutulog ng 3am.

Gigising ng 5am para gumawa ulit at mag-aral.

Papasok na ulit para sa 7am class.

Welcome to UPLB.